Linggo, Mayo 13, 2012


Agos ng Pagkakaisa

Pagtan-aw. 
Pag-uustingan. 
Pagsagpi.
       Ilan lamang ang mga salitang ito upang mabuo ang isang samahan ng mga buyawyaw na tagaroon sa Laguna kung saan gamit ang sariling lenggwahe.
       Wala man sa diksyunaryo ang mga salitang mababasa pero nagkakaunawaan ang sinumang magkomento. 

Jaske ka! Yanong balam mo o hindi maka-get over sa isang sitwasyon.

 Isiping mabuti na malaking tulong ang modernong pakikipag-ustingan upang makausad sa pakikipaghuntahan. Dati-rati'y sa harap lamang ng tindahan nag-uustingan at sa isang simpleng umpukan nakabubuo ng pagtatagisan ng mga kaalaman. 

Handa na nga ang lahat sa makabagong teknolohiya upang magamit sa isang huntahan pero may mga buyawyaw pa ring gustong buhayin ang tradisyong kinalakhan sa bayang sinilangan.

Pasimuno ng Buyawyawan si Rommel Roasa Reodica sa pamamagitan ng isang Group sa Facebook kung saan ang mga kasagpi ay likas din sa bayang kinalakhan. Umaabot sa dalawang libo at animnapu’t isa (2, 061) ang mga kasagpi sa kasalukuyan.
 
 Napagkasunduan at nagkayarian na ipatsi ni Ralph Estrellado Rondilla sa Chat Room ang mga sumusunod:
PATAKARAN ng LUISIANA, LAGUNA CHAT ROOM
  1. Ang lahat ay hinahayaang mag-imbita sa mga kababayan natin na may DUGONG LUISIANA la-ang.
  2. Bawal ang mga usapang bastos o lamog.
  3. Bawal ang pangangampanya para sa mga pulitiko.
  4. Ang hindi kanais-nais na puna o anumang salita ay papahiin kaagad ng namumuno ng samahang ito.
  5. Hindi rin ipinahihintulot dito ang pag sasagutan, pag tatalo o anumang usapin na maaring ang kahinatnan ay pag aaway.
  6. Ang miyembro na hindi masaway ay maaring hadlangan at tanggalin ng namumuno ng samahang ito.
May mga panahong hindi maiwasan ang magpahi ng mga komento mula sa mga kasaling nagbibigay ng komento na may kaugnayan sa pulitika. Hindi ito pinahihintulutan ng pamunuan ng samahan. Mabuti na lamang at hindi bulastog ang mga namumuno dito.

Malaking tulong ang samahang ito upang makipagtalastasan sa mga kababayang nasa ibang bansa. Iwas inip  at homesick ika nga lalo na sa mga OFW na naglilingkod sa dayuhang bayan.

Aba! Ikaw na ang maging kasagpi? Alab-alab ay seryoso pero buyawyaw pala. Nasa ibang bansa man o wala, alam pa rin ang mga wikang Luisiana sa pakikipag-ustingan sa Chat Room.

Hindi lamang nakakakilala ng mga kababayan sa Chat Room kundi narerefresh ang mga wikang bukod tanging sa bayan ng Luisiana lamang naririnig.
Kabilang na ang mga sumusunod sa salita:

A
·     A A AY BALE – pagtataka                             
·         ADUWA – irita, nakakasuka
·         AGIW – dumi, (maagiw- marumi)
·         AGPANG - ginagamit panglina
·         AMBON – mahinang ulan
·         AMPIYAS – ange o talsik ng ulan
·         ANOMAN – kahit na ano
·         ALIMOS – abuloy
·      ALIGWA - Panandaliang hiram ng 
     pera
·         ADYO – akyat sa bahay
·         ABU-ABU -
·  AYUYOT - di makayanan ang dala-dala
·         ANGKAS
·         APUYAN - posporo
·         ABUHAN - lutuan (ginagamitan ng kahoy)
·         AWAS - labasan sa klase o opisina
B
·         BALAGWIT – pagbuhat ng nakasabit
·         BALINGHOY – kamoting kahoy
·         BALING-BALE – salitang pagtataka
·         BALULANG – gawa sa pandan
Bawal gumamit ng silok
·       BALYENA - pinagsama-samang tira-tirang kandila na binilog pampakintab ng sahig
·         BANAS - alinsangan; init ng paligid
·         BANLI – hinugasan ng mainit na tubig
·        BANGGIRAHAN - patuluan ng hinugasang baso, pinggan, kaldero, atbp.
·         BANOG - untog
·         BARIK – inum ng alak
·         BILAD – tuyoin sa init ng araw
·         BINABAE – bakla
·         BAGON – singko sentimos
·         BATOK - Kahol ng aso
·         BAYUKU-uri ng kuhol na gumagapang sa lupa
·         BITU-U -kuhol sa tubig nakikita
·         BATILAW-kaning hilaw
·         BANGKU - upuang kahoy
·         BULADOR - saranggola
Ang kasulatan
·         BARINO -mainit ang ulo
·         BUSLOG dalawang uri ito tungkol sa ari ng lalaki at asal ng tao(hambog)
·         BUBO - tapon
·         BATALAN
·         BANGGERAHAN - lalagyan ng pinggan
K
·         KADLO – salok, komuha ng tubig
·         KALAHI – matapang na lambanog
·         KALOG – may tama, lokoloko
·         KURONG -  maikling pantalon
·         KUWITIB – itim na langgam
·         KUWAN – isang bagay
·        KUYAKOY - (Ginagalaw na paa o anumang bahagi nga katawan na tuloy tuloy)
·         KALIMAYU-libag sa leeg
·         KULAGMUSIN - madungis
·         KUMAG -lukoluko
D
·         DAOSDOS – padulas
·         DIGA – manligaw
·         DINI – ditto
·         DINULDOL – kalamay na gawa sa biga
·         DURO - malakas (durong lakas ng hanging at ulan)
·         DAMPOT- pulot
·         DAYUKDUK-gutom
·        DYABLIG - bale (dyableg ka = 
     bale ka!)
·         DYABLO-dimunyo
·         DIYASKI
E
·         EH EH HIDI KA – salitaing pandidiri
G
·         GERINYUHAN/GERIMYUHAN - pagtitipong may handaan na taun-taon ay iba ang nakabig
·         GIIK - proseso ng paghihiwalay ng palay gamit ang paa
·         GUOPAN – takipan
·         GULAMU -uri ng insekto na pag naiti ang balahibo sa balat ng tao,nangangati atnamamantal
·         GALA-GALA – kapamilya ng langgam
·         H
·         HALBOS – binusan ng mainit na tubug
Utay-utay ang pagpanhik at baka magkabog
·         HAYO – Alis, pwede ng umalis
·         HAPO – pagod
·         HA'PON – sumakay, sumama
·         HASMOD – natanggal
·         HUNTAHAN - kuwentuhan
·         HAGIK-IK- tawag sa tinapay
·         HIMA-dumi sa leeg
·         HIDUY
·         HADRI
·         HAPDI-makirot ng sugat
·      HAMOG -manipis na tubig namula sa itaas
I
·         IPAMUDMUD – ipamigay
·         IGKAS - slide (sa ingles)
·         IGIB – kumuha ng tubig
·         ISOD – kaunting galaw
·         ILO – ipit, pisa
·         ITSA- hagis
·         ISMO'Y - parang o katulad
·         ISTINGOL
·         ISKAPARATE - kabinet
·         IPOD -
K
·         KADLO – salok
·         KALOG – may tama
·         KALIMAYO – libag
·         KALITING – tsismisan, samahan
·         KAHIMAN - totoo ba yon
·         KALUNGKALING – kaong
·         KA-MAW - soup bowl
·         KATUBALANG - malapit ng mahinog
·         KATANG - talangka
·         KURIBDIB – kinakabahan
·         KUWASA - dapat lang
Iskoy hirap magwacky
·         KALAMAYHATI- pagkain gawa sa asukal at gata ng niyos
·         KANTSAW-tukso
·     KAGKAG- walang tigil na pagkamot sa ulo
·         KURUSO - walang pera
·         KAON - sundo
L
·         LAMBANOG – alak sa niyog
·         LAPNOS - mas matinding uri ng pagkapaso
·         LINANG – bukid, bukirin
·         LIGWAK - sabaw na natapon
·         LUGMOK – naupo sa sahig
·         LINAS- pag hati hati ng pandan
·         LINO- pagkain ng baboy o hayop
M
·         MABANG-I - amoy tai
·         MAHALAY-HALAY - Kahiya-hiya man
·         MANAOG – bumaba sa hagdan
·         MANGKIT - bunga ng damo sa parang na dumidikit sa damit
·         MANGKOK - sulyaw
·         MAPALOT - Mapanghi
·         MASIRINO - pagabi na
·         MURA - buko o mababang presyo ng paninda
·         MISLA - sahig na semento 
N
·         NABARA – nadapa
Bungkalin ang balinghoy
·         NAKAKAADWA - nakakadiri
·         NGALOS – pagod
·         NAGKABOG – nahulog
·         NAGPAPAIHIT -halos di makahinga sa pag-iyak
·         NGATAL – mahina at naginginig
P
·         PAPAANYO – saing (magpapaanyo- magsasaing)
·         PAMARIAN - palengke (mga pinamili )
·         PANDONG –  takip sa ulo
·         PANOT – kalbo o walang buhok
·         PANUTSA – matamis na gawa sa tubo
·         PARINI - halika
·         PARON – popunta, lugar na popuntahan
·         PUGROT – bangkarote o naubusan ng pohunan
·         PINAG-UNG-klase ng tinapay
·         PANLINAS- kutsilyo n pang hati hati ng pandan
·         PUYOG- basang basa
·         PINGGAN - plato
R
·         REPINADO – asukal na puti
·         RIKIT - kakatuwa
S
·         SAGPI - sali
·         SALAPI – singkwenta sentimos
·         SIMPAN – iligpit ang kalat/dumi
·     SALOK–kumadlo, komuha 
     ng anoman 
·         SIKBAY - magkatabi
·         SILAGMAK -  naupo sa sahig
·         SILOK – kutsara
·         SILONG - ibaba o ilalim ng bahay
·         SINGKALANG – nadapa
·         SABID - tali na napabuhol
·         SINSILYO - barya o sukli
·         SULYAW - mangkok
·         SINALUDSOD -kalamay ng niluluto sa kawali at sinusudsod ng siyansi
·         SULPUT-paglitaw
·         SURA - inis
·         SIMOT- pulot
·         SINTUNIS-kalamansi
·         SANGKALAN -maliit napiraso ngtabla gingamit nahiwaan ng karne o gulay
T
·         TALAGA' - bukal ng tubig
·         TABINGI - di Magkapareho
·         TIMPARONG – nagsinkalang, natumba
·         TIPAY -  may sayad, hindi normal
·         TANU - bakit
·         TAYUNGKO -nakaupo lapat ang
     binti at hita
·    TUKIL-kaputol ng 
     kawayang ginagawang sisidlan
·         TIGIS- isalin galing sa 
     galon o lalagyan
·         TUSMAK-may sayad, tipay hehehe.
·         TANTARUTI -pasgiwang-giwang
·         TALING - nunal
·         TOKADOR -
·         TUBAL - maruming damit
·         TUNAW - Kape (yelong naging tubig)
O
·         OG-OG – galawin (itulak-kabigin) ang sanga o puno
·         OTIS MO – salitang nagulat
U
·         UTOK – kulang-kulang
·         ULANDES – pulang langgam
·         ULPOT - nakalitaw
·         ULTAW - naka litaw
·         UPLI - dahon na magaspang pang isis
·         UPAOP - (naninigarilyo, hithit)naninigarilyong nasa loob ng bibig ang apoy
·         UD-UD -
·         UWA-ONG-matanda
·         UTAY-UTAY-dahan-
     dahan
·         UBAG -suntok
·         UHOG - Sipon
Y
·         YAON – alis
·         YANO - napaka (tamang tama0
·         YUGYUG – katulad ng og-og
·         YUPYUP - naka upo sa isang lugar
·         YAMBO –makupa
Yanong garang balikan ng mga kaugalian ng bayang sinilangan lalo na’t kachat ang mga kababayan. 
Buhay-Luisiana, sadyang simple lamang pero dinarayo ng mga balikbayan maging ng mga dayuhan. May mga lugar ding maituturing na pinagpala, larawang kinunan ay hindi mabubuo kung hindi bukal sa puso ang pagdarasal na inihandog pagpasok pa lamang sa loob ng Simbahang Bato. 

May mga ilog ring paliguan ng mga nais makaranas maglunoy sa malamig na agos ng tubig sa Munting Bagyo ng Laguna. 

Sa mga nais ng malamig na klima at sariwang hanging malalanghap ang bayan ng Luisiana ang nararapat mong puntahan upang pagbakasyunan. Hinding-hindi mo pagsisisihan ang pagbisita sa lugar na kung saan kilala ang Pandan Festival gayundin ang mga balulang na rito mo lamang makikita.
Agos na patuloy sa paglalakbay at walang katapusang along naglalandas sa mga humahadlang na naglalakihang mga bato. Pero hindi humihinto sa halip ay patuloy sa pakikipagsapalaran upang makamit ang tagumpay sa buhay.
Pagkakaisang maituturing ang samahang ito kung saan ang lahat ay nagkakaunawaan at nagkakaintindihan. Buyawyaw ka man sa pakikipag-ustingan at kahit sa Chat Room ay nagkakauduyan, yanong galing mo pa rin kababayan dahil napagtagpo ang apat na dulo ng mundo. MapaTimog o mapaSilangan, mapaKanluran o mapaHilaga man...

...Buyawyaw ka pa ring tatagurian.

Sanggunian:
http://tipsnikatoto.blogspot.com/2010/08/tips-para-maiwasan-ang-paglalagas-ng.html
http://www.facebook.com/photo.php?fbid=3232972377047&set=oa.364620676913562&type=1&theater
http://www.facebook.com/photo.php?fbid=3221756216650&set=oa.363253343716962&type=1&theater
http://www.facebook.com/media/set/?set=oa.332493366792960&type=1
http://www.facebook.com/photo.php?fbid=3713866935439&set=oa.375778129131150&type=1&theater
http://www.facebook.com/photo.php?fbid=384928198190408&set=oa.327031697339127&type=1&theater
http://www.lagunatravelguide.com/index.php?page=pandan-festival-luisiana



    NoR
*051312*




         

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento